2 bahay nasunog sa Guinbirayan, Sta. Fe, Romblon

Dawalang bahay na yari sa kongreto at light material ang nasunog dakong 12:20 ng madaling araw ng Oktubre 30, 2025 sa Purok Pag-asa, Barangay Guinbirayan, Santa Fe, Romblon.

Ang may-ari ng dalawang  bahay na tinupok ng apoy ay isang 46 taong gulang na lalaking balo at 39 anyos na babae na kapwa residente ng nasabing lugar.

Base sa salaysay ng isang residente ng nasabing barangay, una umanong napansin ng kanyang pinsan at maging ng mga kapitbahay ang lumalagablab na apoy sa tindahan ng isang biktima at sa kalapit nitong kuwarto.

Agad umano nilang pinagbigay alam sa asawa ni Kapitan Molina ang naturang pangyayari upang makahingi ng tulong sa Bureau of Fire Protection (BFP) ng Santa Fe.

Dineklarang Fire-out ang sunog ng nagrespondeng tauhan ng BFO Santa Fe dakong 2:15 ng madaling araw.

Wala namang naiulat na nasawi o nasaktan sa nasabing pangyayari.

Patuloy pang iniimbestigahan ng BFP-Santa Fe ang sanhi ng sunog.

Tinatayang nasa P91,500.00 ang halaga ng natupok ng apoy. (RSun Staff)

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment