Deprecated: The called constructor method for WP_Widget class in EV_Widget_Entry_Views is deprecated since version 4.3.0! Use __construct() instead. in /home/romblons/public_html/wp-includes/functions.php on line 6131
Vice Mayor Samson panalo vs Mayor Sombilon sa pagka alkalde ng San Jose, Romblon - Romblon Sun
Home » Blog » Vice Mayor Samson panalo vs Mayor Sombilon sa pagka alkalde ng San Jose, Romblon

Vice Mayor Samson panalo vs Mayor Sombilon sa pagka alkalde ng San Jose, Romblon

SAN JOSE, Romblon – Muling babalik sa pagka punong bayan ang kasalukuyang Vice Mayor ng San Jose, Romblon na si Ronnie Samson matapos nitong maungusan ng boto ang katunggali na si Mayor Egdon Sombilon.

Si Samson na tumatakbo sa ilalim ng partido Nacionalista Party (NP) ay nakakuha ng 3,371 na boto kontra kay Sombilon ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) na nakalikom naman ng kabuuang boto na 3,003.

Panalo rin ang katandem ni Samson na si Ghel Zacarias na may naitalang boto na 3,352 laban sa kapartido ni Sombilon na si Napoleon Tandog, Jr. na mayroong boto na 2,863.

Si Samson at Sombilon ay dating magkasama na tumakbo sa ilalim ng partido Nacionalista Party sa nakalipas na 2022 eleksyon at parehong nanalo.

Samantala, ang pumasok na mga Sangguning Bayan members ng San Jose ay sina Joseph Del Mundo na may boto na 3,342, Gina Villanueva na mayroong boto na 3,104, Isidro Salmingo na may 2,873 na boto, Ally Aron na nakalikom ng 2,791, Violy Tandog na nakakuha ng 2,440 votes, Rolito Samindao na may boto na 2,341, Elmor Ventura na may bilang na 2,245 na boto at Ruel Agustin na mayroong boto na 2,073.  (Tony M. Macalisang)

 

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment