Deprecated: The called constructor method for WP_Widget class in EV_Widget_Entry_Views is deprecated since version 4.3.0! Use __construct() instead. in /home/romblons/public_html/wp-includes/functions.php on line 6131
Lalaki patay sa pamamaril sa San Jose, Romblon - Romblon Sun
Home » Blog » Lalaki patay sa pamamaril sa San Jose, Romblon

Lalaki patay sa pamamaril sa San Jose, Romblon

SAN JOSE, Romblon – Agad na binawian ng buhay ang isang lalaki matapos barilin ng naka face mask na suspek dakong 9:40 ng gabi nitong Biyernes, Febrero 28 sa Sitio Inobahan, San Jose, Romblon.

Kinilala ng mga awtoridad ang biktima na si Roosevelt Gan Silda, 44 taong gulang, may-asawa, dati nang nakulong at residente ng Barangay Poblacion, San Jose, Romblon, habang hindi pa nakikilala ang suspek.

Sa imbestigasyon ng San Jose Municipal Police Station, dakong 9:30 ng gabi ay nasa tabi umano ng kalsada sa harap ng BB Bar ang biktimang si Silda at kausap si John-John Salmingo nang bigla na lang umanong binaril ang biktima ng isang lalaki na nakasuot ng jacket, nakasumbrero at naka facemask.

Ayon sa testigong si Salmingo, nag-uusap umano sila ng biktima sa nasabing lugar ay bigla lang umanong sumulpot sa kanilang likuran ang suspek na may hawak na baril at binaril ang biktima ng ilang beses na tinamaan sa iba’t-ibang bahagi ng katawan na agad nitong ikinamatay.

Ikinasa naman ng San Jose MPS ang manhunt at hot pursuit operation para sa ikahuhuli ng suspek.

Patuloy pa ang imbestigasyon tungkol sa pagkakakilanlan ng suspek upang masampahan ito ng kaukulang kaso sa piskalya. (RSun Staff)

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment