ODIONGAN, Romblon – Arestado ang isang estudyante matapos itong mabilhan ng ilegal na droga sa ginawang buy-bust operation ng kapulisan nitong madaling araw ng Mayo 5 sa Barangay Dubduban, San Agustin, Romblon.
Ang suspek ay kinilala ng San Agustin Municipal Police Station na si Ener John Atanoc alyas “EJ”, 23, binata, estudyante at residente ng Barangay II, Poblacion, Romblon, Romblon.
Ayon sa ulat ng San Agustin MPS isang buy-bust operation laban sa ilegal na droga ang ikinasa ng pinagsanib na pwersa ng kapulisan sa pangunguna ng mga tauhan ng RPPO Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) kung saan isang pulis ang umakto na poseur-buyer na nakabili sa suspek ng isang sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu gamit ang “marked money’.
Pagkatapos ng transakyon ay agad na hinuli ang hindi nakapalag na suspek.
Ang pagkuha ng litrato at pagsagawa ng imbentaryo na nakuha sa posesyon ng suspek ay sinaksihan ng ng dalawang opisyal ng naturang barangay.
Isinailalim sa kustodiya ng San Agustin MPS ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 (The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
Kasalukuyang inihahanda ng San Agustin MPS ang pagsama ng Inquest Proceeding sa Provincial Prosecutor’s Office laban sa nasabing suspek. (TMM)






Add Comment