ODIONGAN, Romblon – Huli sa akto ang dalawang lalaki sa ilegal na tupada dakong 3:30 kahapon ng hapon, Marso 31, 2024 sa Sitio Baito, Odiongan, Romblon.
Ang mga suspek ay kinilala ng Odiongan Municipal Police Station (OMPS) na sina Rocky Tiopez Castillon, 48 taong gulang, walang trabaho at Archie Selosa, (at-large), laborer at kapwa residente ng Barangay Pato-o, Odiongan, Romblon.
Sa ulat ng Odiongan MPS, sa nasabing petsa, oras at lugar isang pinagsanib na operasyon ang ikinasa laban sa ilegal na tupada na pinangunahan ng Odiongan MPS, kasama ang mga tauhan PIU Romblon, PHPT Romblon at Romblon Provincial Mobile Force Company na nagresulta sa pagkahuli sa dalawang suspek.
Nakuha sa posisyon ng mga suspek ang dalawang (2) sasabungin na manok, pera na ginamit na pangtaya na halagang P1,550.00, at mga asesoryas tulad ng dalawang tari at dalawang cord tapes.
Ang dalawang suspek ay huli sa akto na direktang nakilahok sa ilegal na aktibidad na tupada sa nasabing lugar kaya’t sila ay hinuli ng mga awtoridad.
Isinailalim sa kustodiya ng Odiongan MPS ang nahuling suspek.
Kasong paglabag sa PD 1602 ang inihahandang isampa ng Odiongan MPS sa piskalya laban sa mga suspek. (TMM)






Add Comment