2 lalaki at isang babae huli habang naglalaro ng Tong-its sa Looc, Romblon

People playing poker. Hands of two players raising their cards in a game of poker. Player about to win a game of chance.

LOOC, Romblon – Arestado ang dalawang lalaki na senior citizen at isang babae na naaktuhan na naglalaro ng Tong-its dakong 2:15 ng hapon ng Marso 3, 2024 sa Sitio Bongan-Bongan, Barangay Limon Norte, Looc, Romblon.

Ang mga hinuli ay nakilala na sina Johny Gabilo Castillo, 60 taong gulang, may-asawa, walang trabaho, Jolito Garachico Atienza, 69 taong gulang, may-asawa, walang trabaho at Gemma Sevilla Castillo, 55 taong  gulang, may-asawa, walang trabaho at pawang residente ng Sitio Bongan-Bongan, Barangay Limon Norte, Looc, Romblon.

Sa ulat ng Looc Municipal Police Station, sa nasabing petsa, oras at lugar, ang mga tauhan ng Looc MPS ay nagsagawa ng “anti-illegal gambling operation” kung saan ay nasakote ang nasabing mga suspek habang nagto-tong-its gamit ang baraha.

Narekober sa mga suspek bilang ebidensya ang ginamit na baraha, pera na pinangtaya na halagang P131.00 at bato na pangmarka.

Ang pagmarka at pag-imbentaryo ng mga ebidensya ay sinaksihan  ni Barangay Captain Lany Castillo.

Ang mga dinakip na suspek ay binasahan ng kanilang karapatan sa ilalim ng Konstitusyon ng Pilipinas at dinala sa himpilan ng Looc MPS para sa kaukulang disposisyon.

Nahaharap sa paglabag sa PD 1602 ang mga suspek na inihahandang isampa ng Looc MPS sa Provincial Prosecutor’s Office laban sa mga suspek. (RSun Staff)

 

 

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment