CALATRAVA, Romblon – Diretso sa kalaboso ang isang lalaki na may mandamyento de aresto sa kasong 3 counts of rape matapos hulihin ng kapulisan nitong 3:20 ng hapon ng Pebrero 20, 2023 sa Sitio Salingsing, Barangay Pangulo, Calatrava, Romblon.
Ang dinakip na lalaki ay nakilala na si Jestoni Albarida Pacala, 37 taong gulang, may-asawa, laborer at residente ng nasabing barangay.
Si Pacala ay inaresto ng pinagsanib na operatiba ng Calatrava Municipal Police Station (lead unit), CIDG Romblon PFU, Romblon PIU, RIG MIMAROPA, Romblon PMFC, San Agustin MPS, San Andres MPS, at Sta. Fe MPS sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu noong Enero 29, 2024 ni Hon. Edwin B. Buffe, Executive Judge, Regional Trial Court, Branch 82, Odiongan, Romblon sa kasong 3 counts of Rape under Art 266 A, para 1 (1) of the RPC as amended by RA 8353 as further amended by RA 11648 na naka docket sa ilalim ng Criminal Case No. OD-3365, OD-3366 at OD-3367.
Walang rekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.
Ang hinuling lalaki ay isinailalim sa kustodiya ng Calatrava MPS para sa dokumentasyon at ihaharap sa nakasasakop na Korte. (RSun Staff)







Add Comment