ODIONGAN, Romblon – Dinala sa ospital ang tatlong sugatan na naaksidente sa pag overtake sa sinusundang tricycle dakong 8:10 ng umaga ng Enero 18, 2024 sa Barangay Dapawan, Odiongan, Romblon.
Ang mga naaksidente ay nakilala na sina Maria Cristina Moscoso Asuncion, 45 anyos, may-asawa, housewife, may-ari at siyang nagmamaneho ng motorsiklong Yamaha Mio 125, at ang dalawang angkas na si Daniela Asuncion Atilano, 18 taong gulang, estudyante at isang menor de edad, at pawang mga residente ng Barangay Poblacion Ferrol, Romblon. Habang ang may-ari at nagmamaneho ng tricycle ay kinilala na si Johnny Fadri Fontabla, 62 taong gulang, may-asawa, tricycle driver, at nakatira sa Barangay Panique, Odiongan, Romblon.
Base sa ulat ng Odiongan Municipal Police Station (OMPS), binabaybay umano ni Fontabla sakay ng kanyang tricycle ang National Road ng Barangay Dapawan, Odiongan, Romblon papunta sa Barangay Poctoy, Odiongan, Romblon habang ang motorsiklo na minamaneho naman ni Asuncion kasama ang dalawang angkas nito ay pagawi rin sa nasabing direksyon. At pagsapit sa lugar ng insidente ay sinubukan umano ni Asuncion na mag-overtake sa kaliwang bahagi ng tricycle ngunit nasagi umano ito ng tricyle ni Fontabla kung saan ay nawalan ng kontrol si Asuncion sa manibela ng kanyang motorsiklo ay natumba ito sa kalsada.
Nagtamo ng sugat at galos sa iba’t-ibang parte ng katawan ang tatlo at isinugod sa Romblon Provincial Hospital ng nagrespondeng tauhan ng MDRRMO ng Odiongan, Romblon.
Ang mga sangkot na sasakyan ay dinala sa himpilan ng Odiongan MPS para sa kaukulang imbestigasyon. (TMM






Add Comment