Ni JUN FIEDACAN
Maraming magtataas ng kilay dito sa ating issue ngayon at maaaring hindi aminin ng iba. Pero likas na sa mga Pilipino ang mas mahal ang imported kaysa sa sariling atin. Isa ito sa mga pinag-uusapan noon pa na may colonial mentality ang mga Pilipino. Dahil nga siguro ang Pilipinas ay nasakop ng banyagang mga bansa. Mahigit na 400 na taon sa ilalim ng mga kastila. Nasakop tayo ng mga Amerikano. Ang kahuli-hulihan ay mga Hapon. Marami nga sa atin ay gustong magpasakop ulit sa mga Amerikano lalo na at tumaas ang dolyar ngayon na nasa P57.00 ang palitan ng dolyar laban sa piso. Yong iba naman ay gusto ng gawing probinsya ng China ang Pilipinas. Napakitid na mga utak ng mga ganitong Pilipino.
Hindi natin masisi itong ating mga malalaking tao sa gobiyerno na magkaroon ng mind set na importasyon ang correct formula para sa Pilipino. Una, itong mga matataas na tao sa gobiyerno ay may mga trainings sa ibang bansa. Maraming mga nakakasalamuha na mga tao na karamihan ay negosyanteng mga dayuhan. Siyempre palaging yan ang kausap nila. Kaya pag nailagay sa mga puwesto sa gobiyerno, sariling interest nila ang mamayani.
Marami sa Pilipino pag may kaya ay siyempre sa mga exclusive schools sila nag-aaral at iba ang kanilang kultura. Hindi nila nakikita yong mga kahirapang nararanasan sa mga kanayunanan at ang nakikita nila ang kasaysayan ng business trading ng Pilipinas na natutuhan nila sa mga exclusive schools. Na bagaman at agricultural country ang Pilipinas ay wala itong puwersa para mag produce ng mga agricultural products at karamihan sa mga agricultural production ay petse-petse lang. Ika nga ay mga native ang produkto. Sa tingin nila ay mahirap ipunin itong mga maliliit at kakaunting produkto ng ating mga magsasaka. Ilang libong tonelada ng karne ang kailangan ng Magnolia at Swiffs? E napakaraming meat processors din. May suplay ba ang ating mga magsasaka? Napakahirap ibiyahe ang mga baboy ng Mindanao, sa mga Visayan Province para dalhin sa Maynila at katayin. Ang daming proseso. Ilalagay sa mga cold storage para maipon. Bago dalhin sa cold storage din ng meat processors. Ang daming trabaho at dagdag gastos. Samantalang kung mag import sa ibang bansa, tawag-tawag lang sa telepono. Eh ang bilis na sa mga computer ngayon. Pagdumating dito sa Pilipinas ang mga karne ay nasa containerized van na. Ipapasok na lang sa cold storage ng kumpanya at mas mura pa. Puwede pang haluan ng smuggled items ang iba.
Naturingang agricultural country ang Pilipinas pero nakita natin, wala pa rin tayong magandang sestima sa marketing ng mga agricultural products natin. Kanya kanya pa rin tayo. Yong mga consolidator natin nakapagsisimula lang na sa kalunan ay nawawala din. Yong mga koop na nasa agricultural trading business madalang ang nagtatagumpay. Kasi gusto ng Pilipino kaunting produkto gustong buminta ng libo o milyon. Nag uusap na ganito ang presyuhan at bentahan ng presyo, pagdating ng anihan, dahil nagmahal ang produkto, gusto ay kunin din sa mahal na presyo. Malulugi ang consolidator.
Ayaw ng Pilipino sa produktong Pilipino na galing sa ating magsasaka. Ayaw ng bawang sibuyas ng Nueva Ecija at Mindoro at Batanes dahil hindi uniform at malilit daw. Ayaw ng carrots ng Baguio dahil maliliit at iba iba ang hugis. Mas gusto nila yong bawang at sibuyas, carrots ng China. Makikinis at malalaki. Kamusta naman kaya ang abonong ginagamit doon sa mga produkto. A, wala daw silang pakialam, kahit anong abono ang ginagamit. Di naman nila nakikita. Basta lamang tiyan din yan.
Gustong gusto ng mga Pilipino ang imported na mga damit, sapatos mga gadget, mga sasakyan, mga makinarya. Kahit gawang China na napakadaling masira na mga laruan ang binibili nila. Kahit madaling masira, mura naman. Ginagaya ng mga Pilipino ang mga kultura at tradisyon ng mga kanlurang mga bansa kaya sikat ang mga McDonald, Max’s at iba pa. Mas gusto nila ng chopsoy na luto kaysa bulanglang o “inaslom.” Inalis na nga ang agriculture curriculum sa RSU sa secondary at iba na ang itinuturo. Wala na yong pundasyon sa agriculture na aming pinagtapusan na kahit high school graduate may training na sa pagtatanim ng ibat ibang agricultural crops. May karanasan sa pagtatanim ng palay at mais, sa pag-aalaga ng kalabaw, baka at baboy.
Iba ang mind set ni Manny Pinol kaysa kay Sec Benjamin Diokno or Sec Carlos Domingues. Kasi si Mr. Manny Pinol ay laking bukid, lumaki sa pagsasaka at nakikita at nararamdaman ang buhay ng mahihirap. Kaya ang mind set niya ay palakasin ang agricultural production at makaahon sa hirap ang mga magsasaka sa bukid.
Ang mind set ng mga economic managers ay magsupply ng regular na pangangailangan sa mga businessmen at mapunuan ang market demand ng mga produkto na siyang pangunahing pangangilangan ng tao or else magugulo ang ekonomiya ng bansa. Dahil dito hindi sila magkasundo. Sa salitang ASI, “ indi magkaruntoy”.
Abangan ang susunod na karugtong.






Add Comment