TUNGGALIAN UMIIGTING SA WPS

Ni BOBOT FRADEJAS

UMIIGTING ang tunggalian ng mga barko ng Filipinas at Tsina sa West Philippine Sea (WPS) at kung hindi agarang maayos ang kanilang tunggalian, malamang na may mga buhay na malagas at pumutok sa labanan ng dalawang pinakamalaking puersang militar sa buong mundo. “The escalatory cycle is worrying,” ani Ray Powell, director of SeaLight, proyekto ng Gordian Knot Center for National Security Innovation sa Stanford University na nagmamatyag sa mga aktibidad pandagat sa South China Sea.

Ayon sa mga tagasuri, ang tunggalian ng dalawang bansa noong Linggo kung saan pinilay ng Chinese Coast Guard ng water cannons ang isang barko ng Filipinas ay isa sa pinakagrabeng labanan ng mga sasakyang pandagat ngayong taon malapit sa Ayungin Shoal (o Thomas Reef). Inaangkin ng China ang bahura ngunit itinatanggi ito ng Filipinas na nagsadsad ng isang kalawanging LST upang ipangalandakan sa buong mundo na kanila ito.

Nagdadala ang mga barko ng Filipinas ng mga supply sa isang kinakalawang na barko, BRP Sierra Madre, ngunit pinigil ng mga sasakyan ng Tsina. Nagpakawala ang isang Chinese Coast Guard ship ng water cannon laban sa mga barko ng Filipinas at nagbunga ito ng seryosong pagkasira ng mga makina ng isang barko, at nagdulot ng panganib sa buhay ng mga tripulante, ayon sa National Task Force for the West Philippine Sea sa isang pahayag.

Walang iniulat na nasaktan noong Linggo sa tunggalian na kasama ang banggaan ng mga sasakyan ng Intsik at Filipino. Ngunit iniulat na posibleng may mangyari kamatayan sa mga tripulante sa susunod na tunggalian, ani Powell. Dahil ang Filipinas ay tulad ng Japan at South Korea na mayroon mutual defense treaty sa Estado Unidos, maaring sumiklab ang gulo kung may mamamatay na mga tripulanteng Filipino at kumilos ang Estados Unidos.

Binaggit ng mga opisyal ng Estados Unidos ang tratado sa kanilang pahayag sa publiko hinggil sa South China Sea. Inulit ng US State Department ngayong linggo ang paninindigan ng Washington sa nangyaring tunggalian noong Linggo. “The United States stands with our Philippine allies in the face of these dangerous and unlawful actions,” ayon sa pahayag.

Ipinagkaila ng Foreign Ministry ng Tsina at nagmagaling ng sabihan ang Estados Unidos na wala itong papel sa sigalot. “No third party has the right to intervene,” aniya. Kinakamkam ng Tsina halos kabuuan ng South China Sea kasama ang maraming isla daang milya ang layo mula sa mainland China. Inaangkin ng Filipinas, Malaysia, Vietnam, Brunei at Taiwan ilang bagi ng South China Sea, ngunit hindi sila nag-aaway at palaging nag-uusap.

Noong 2016, pumabor sa Filipinas ang UNCLOS Permanent Arbitration Commision sa The Hague at nagsabing walang batayang legal ang Tsina upang angkinin ang halos kabuuan ng South China Sea. Pinanindigan ng UNCLOS na dapat magkaroon ng kalayaan sa malayang paglalakbay ang maraming bansa sa South China.

*   *   *

GUSTO namin matawa sa sitwasyon kung saan sa dinami-dami ng mga opisyales ng gobyerno, tanging si Sara Duterte ang tumayo upang ipagtanggol ang maangas na tambalang Lorraine Badoy at Eric Celis. Todo depensa si Sara sa mga taga kalat ng fake news kahit pinagtawanan ng buong bansa ang kanilang walang kuwentang hunger strike. Sa huli, sumuko si Celis at nagmano sa mga diputado na nagdesisyon na ikulong sila kung hindi sasabihin ang pinagmulan ng pekeng balita hinggil sa travel budget ni Ispiker Martin Romualdez.

Hindi pa inihayag sa publiko kung sino ang source ng pekeng balita. Alam ng Kamara de Representante kung sino ang nagkalat ng huwad na balita at ihayag ng estasyon ni Apoy Quibuloy. Isa ito sa mga bagyo sa huling buwan ng taon. Malaking pahirap ang kanilang haharapin sa susunod na taon.

Hindi pa tapos ang sakdal ng human trafficking at large scale swindling laban kay Quibuloy sa Estados Unidos. Hindi kami magtaka kung magdesisyon ang gobyerno ni BBM na pagbigyan ang hininging extradition sa nagsasabing “anak siya ng Diyos.” Hindi malayong isuko siya na tulad ng isang nagasgas na sepilyo sa ngipin.

*   *   *

HALAW sa privilege speech in Sen. Risa Hotiveros sa Senado noong Lunes. Pakibasa:

“Matapos po ang imbestigasyon sa Socorro, ako po ay nilapitan ng ilang mga biktima para mag-bunyag ng kanilang mga kwento. At gaya ng mga kwento ng mga biktima ni Senyor Agila gaya nila Chloe at Renz, napapakangilabot ang kanilang mga kuwento. Front and center of these narratives are the systemic sexual abuse of women and children in the hands of this man that they call Pastor. And no, these are not crimes of the past for which we are holding Apollo Quiboloy to account. This is an ongoing offense. Patuloy na nangyayari. The abuse of women and children is taking place as we speak, under the auspices of the Kingdom of Jesus Christ. Habang ating icecelebrate ang kapanganakan ng sanggol na si Hesus, mayroong mga batang sinasaktan sa ngalan ng Kingdom of Jesus Christ.

Ang aking opisina po ay kumausap mismo sa mga naging biktima ni Quiboloy. Nakausap ng opisina ko si Alias Jackson, 15 years old noong narecruit siya kasama ang kanyang pamilya. Naging isa siya sa mga bata na nakikita natin sa pang-araw-araw na umiikot sa ating lansangan, namamalimos gamit ang letter na kunwari ay “solicitation” para sa kanilang organization o ‘di kaya tulong para sa pagpapaaral. Hindi natin alam, may malagim pala na sinasapit yung mga batang ‘di masyadong nakakadelihensya ng malaki sa paglilimos. Sila po ay pinapalo, 20 lashes, 50 lashes, 100 lashes. May isa pang nagkwento, pinapaddle din daw. I am in possession of testimonies to that effect.

Mayroon din pong isa, menor de edad din, pagkatapos lang na makipag-date kasama ng isang babae na natural na ginagawa ng mga teenager, sinabihang i-untog paulit-ulit ang ulo sa pader hanggang dumugo. Pagkatapos ay ikinulong sa bartolina. Dati po itong myembro na hindi na nasikmura ang pang-aabuso sa kanya at iba pang menor de edad. Hanggang ngayon bakas pa sa katawan ng survivor ang mga marka ng pang-aabuso na yon. Nung umalis siya sa poder ni Quiboloy, nakabalik siya sa pag-aaral at ngayon ay may sarili nang pamilya. Ngunit habang buhay daw niya bitbit ang alaala ng panahon na yon. He was just a child, Mr. President. They were all just children.

Marami pa po kaming nakausap na naging dahilan kung bakit naging buo ang desisyon ko na isalang itong isyung ito sa ating kamara. My office is in possession of an affidavit detailing the sexual abuse inflicted by Quiboloy himself on a minor. My office is in direct contact with a woman who, while not a minor when the sexual abuse happened, lives with the trauma it has brought and continues to fear for her safety.

May nakausap din ang aking opisina na mga preacher na naglahad ng iba pang mga krimen ni Quiboloy, paano siya yumaman, at paano niya tinatago ang kanyang yaman. These patterns and practices are persisting as we speak, and sustaining his other criminal activities. Hindi lang po sa Pilipinas ang mga krimen na ito, kundi sa iba’t ibang bahagi ng mundo. The international breadth of Apollo Quiboloy’s criminal activities is truly astounding.

 

 

 

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment