Deprecated: The called constructor method for WP_Widget class in EV_Widget_Entry_Views is deprecated since version 4.3.0! Use __construct() instead. in /home/romblons/public_html/wp-includes/functions.php on line 6131
Suspek sa pamamaril sa tindahan, patay sa engkwentro - Romblon Sun
Home » Blog » Suspek sa pamamaril sa tindahan, patay sa engkwentro

Suspek sa pamamaril sa tindahan, patay sa engkwentro

SAN ANDRES, Romblon – Nasawi ang sinasabing suspek sa pamamaril sa isang tindahan sa Odiongan, Romblon bago pa man makarating sa ospital dakong 7:50 ng umaga, Disyembre 13, 2023 sa Barangay Matutuna, San Andres, Romblon.

Sa imbestigasyon ng San Andres Municipal Police Station, namatay si Manny Yap Montojo, 52 taong gulang, walang asawa, drayber at residente ng Barangay Ligaya, Odiongan, Romblon na siyang pinagdududahang pumatay sa biktima na si Joseph Christian “JC” Guyo Rubion na nagbabantay sa tindahan ng kanyang tiya sa Sitio Torrel, Barangay Dapawan, Odiongan, Romblon noong pasado hatinggabi ng Disyembre 13, 2023.

Sa ginawang hot pursuit operation ng mga tauhan ng Odiongan Municipal Station, sa pamumuno ni PCPT Dennis M. Rivera, OIC Odiongan MPS, kasama ang PIU Tracker Team na pinangunahan ni PEMS Allan M. Fruelda sa koordinasyon ng San Andres MPS ay kanilang napag-alaman na ang suspek ay nagtatago umano sa bahay ng kanyang kapatid na babae sa Barangay Matutuna, San Andres, Romblon, at kanilang pinuntahan ang nasabing barangay para mahuli ang suspek.

Pagdating sa bahay ng kapatid ng suspek ay payapa umanong pinapasuko ng pulisya ang suspek subalit sa halip umanong sumuko ay kinuha umano nito ang kanyang baril at sinubukang barilin ang mga pulis ngunit inunahan na siya ng mga ito bilang pagtatanggol umano sa kanilang sarili .

Nagtamo ng tama ng bala ang suspek na dinala sa San Andres Municipal Hospital kung saan siya idineklarang dead on arrival ng sumuring doktor dakong 8:40 ng umaga kanina. (RSun Staff)

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment