Deprecated: The called constructor method for WP_Widget class in EV_Widget_Entry_Views is deprecated since version 4.3.0! Use __construct() instead. in /home/romblons/public_html/wp-includes/functions.php on line 6131
10 taong wanted sa kasong attempted rape nasakote sa San Andres, Romblon, kalaboso - Romblon Sun
Home » Blog » 10 taong wanted sa kasong attempted rape nasakote sa San Andres, Romblon, kalaboso

10 taong wanted sa kasong attempted rape nasakote sa San Andres, Romblon, kalaboso

SAN ANDRES, Romblon – Pagkalipas ng sampung taon ay nahuli na rin ng kapulisan ang isang lalaki na may mandamyento de aresto dakong 6:45 ng hapon ng Disyembre 7, 2023 sa Sitio Tanagan Mistan, Barangay Victoria, San Andres, Romblon.

Ang dinakip na suspek ay kinilala na si Aldrin Arcos Cimafranca, 54 taong gulang, may-asawa, manggagawa, at residente ng Barangay Victoria, San Andres, Romblon.

Si Cimafranca ay inaresto ng mga tauhan ng San Andres Municipal Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu noong Oktubre 17, 2013 ni Hon. Jose M. Madrid, Presiding Judge ng Regional Trial Court. Branch 82, Odiongan, Romblon sa kasong Attempted Rape, sa ilalim ng Criminal Case No. OD-2274.

Ang Korte ay may rekomendang piyansa na halagang P100,000.00 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Ang lalaki ay kasalukuyang nasa ilalim ng kustodiya ng San Andres MPS para sa kaukulang disposisyon. (TMM)

 

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment