Deprecated: The called constructor method for WP_Widget class in EV_Widget_Entry_Views is deprecated since version 4.3.0! Use __construct() instead. in /home/romblons/public_html/wp-includes/functions.php on line 6131
Lalaking may Warrant of Arrest dinakip sa Magdiwang Romblon - Romblon Sun
Home » Blog » Lalaking may Warrant of Arrest dinakip sa Magdiwang Romblon

Lalaking may Warrant of Arrest dinakip sa Magdiwang Romblon

MAGDIWANG, Romblon – Inaresto ng mga kapulisan ang isang lalaki na binabaan ng mandamyento de aresto nitong gabi ng Nobyembre 20, 2023 sa Sitio Agnonoc, Barangay Tampayan, Magdiwang, Romblon.

Ang hinuling lalaki ay nakilala na si Rodel Gan Gusi, Jr., Alias “Jay Ar”, 26 taong gulang, may kinakasama, manggagawa at residente ng Sitio Malapeña, Barangay Mabulo, San Fernando, Romblon.

Ayon sa pulisya, si Gusi ay dinakip ng pinagsanib na tauhan ng San Fernando Municipal Police Station at Magdiwang Municipal Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Honorable Judge Ma. Paz A. Besonaya, Presiding Judge of Fourth MCTC, Cajidiocan-Magdiwang-San Fernando nitong Nobyembre 20, 2023 sa kasong Serious Physical Injuries, sa ilalim ng Criminal Case No. 5655, at may rekomendang piyansa na halagang P30,000.00 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Ang inarestong lalaki ay isinailalim sa kustodiya ng San Fernando MPS para sa kaukulang dokumentasyon. (TMMacalisang)

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment