ROMBLON, Romblon – Dumulog sa himpilan ng Romblon Municipal Police Station ang isang retiradong guro para ireklamo ang pagkawala ng kanyang pitaka sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Poblacion-IV, Romblon, Romblon noong 3:00 ng madaling araw ng Nobyembre18, 2023.
Ang biktima ay kinilala na si Vivian M. Relano 75 taong gulang, may-asawa at retiradong guro na nakatira sa Barangay Poblacion – IV, Romblon, Romblon habang ang suspek na napag-alaman na isang menor de edad at residente ng Sitio Ambulong, Barangay Bagacay, Romblon, Romblon.
Ayon sa biktima, nalaman umano nito na nawawala ang kanyang pitaka dakong 5:00 ng hapon kaya hinanap niya ito ngunit hindi niya ito natagpuan. Kaya nagpasya itong rebyuhin ang kuha ng CCTV ng kanilang Barangay. Base sa bidyu ng CCTV ay kanilang nalaman na isang lalaki ang pumasok sa kanilang bahay na dumaan sa “sliding door” na hindi nakakandado dahil kararating lang umano ng biktima mula sa Maynila.
Ang suspek ay isang menor de edad at nakilala ng pamangkin ng biktima.
Kanilang idinulog ang nasabing kaso sa DSWD para sa kaukulang interbensyon at disposisyon. (Tony M. Macalisang)







Add Comment