Deprecated: The called constructor method for WP_Widget class in EV_Widget_Entry_Views is deprecated since version 4.3.0! Use __construct() instead. in /home/romblons/public_html/wp-includes/functions.php on line 6131
Delivery Van ng J&T Express nahulog sa bangin sa Odiongan, Romblon - Romblon Sun
Home » Blog » Delivery Van ng J&T Express nahulog sa bangin sa Odiongan, Romblon

Delivery Van ng J&T Express nahulog sa bangin sa Odiongan, Romblon

ODIONGAN, Romblon – Isang delivery closed van ang aksidenteng nahulog sa bangin dakong umaga ng Oktubre 14, 2023 sa National Road ng Barangay Malilico, Odiongan, Romblon.

Ang delivery van ay pag-aari ng J&T Express at minamaneho ni Rogel Plaza Ague, 28 taong gulang, binata, drayber at residente ng Barangay San Miguel, Santo Tomas, Batangas. Kasamang  nakasakay sa van ang porter na si Clint John Marcelo Fiestada, 24, binata at residente ng Barangay Poblacion, Looc, Romblon.

Ayon sa ulat ng Odiongan Municipal Police Station (OMPS), binabaybay umano ng delivery closed van ng J&T Express ang National Road ng Barangay Malilico, Odiongan, Romblon mula sa munisipyo ng Looc, Romblon papunta sa bayan ng Odiongan, Romblon at pagdating sa lugar ng insidente ay nawalan umano ng kontrol ang drayber sa sasakyan dahil sa malakas na ulan at naging madulas ang kalsada kung saan ay nahulog ang delivery closed van sa pampang o sa gilid ng kalsada.

Nagtamo ng mga galos sa katawan ang driver habang ligtas at walang natamong pinsala ang kasamang porter.

Hindi pa natiyak ang halagang inabot na pinsala sa delivery van na hinihintay pang maialis sa naturang lugar. (T. Macalisang)

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment