Lalaking estudyante natagpuang nakabitin sa kisame ng bahay

CALATRAVA, Romblon – Wala nang buhay ng matagpuan ang isang lalaki na nakabitin sa kisame ng kanyang kuwarto dakong 4:30 ng hapon ng Setyembre 23, 2023 sa Barangay Poblacion, Calatrava, Romblon.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Philip Joemar Mago Fetalvero, Jr., 21 taong gulang, binata, 2nd year college sa Romblon State University at residente ng nasabing lugar.

Sa ulat ng Calatrava Municipal Police Station, sa nasabing araw at petsa ay pumunta umano ang kasintahan ng biktima na si Pearl para imbitahan ito na pumunta ng simbahan. At noong pumasok ito sa loob ng kuwarto ng kanyang nobyo ay nakita na lang nito ang biktima na nakabitin sa kisame at mahigpit na nakatali sa kanyang leeg ang isang lubid na nylon.

Agaran itong humingi ng tulong sa mga kapitbahay at kay Dr. Renato Menrige, Medical Health Officer ng Calatrava Rural Health Unit para mailigtas ang biktima ngunit idineklara na itong wala nang buhay.

Sa dagdag na impormasyon ng Calatrava MPS, bago naganap ang insidente ay nagkaroon umano ng hindi pagkaunawaan ang magkasintahan dahil sa selos. (TMM)

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment