CALATRAVA, Romblon – Isang lalaki ang pinagsasaksak ng basag na bote ng kanyang kabarangay dakong 3:10 ng hapon ng Setyembre 21, 2023 sa Sitio Acacia, Baranga Balogo, Calatrava, Romblon.
Ang biktima ay nakilala na si Mars Manayon Manoy, 40 taong gulang, driver, may kinakasama, habang ang itinuturong suspek ay si Ronel Ocampo Lazaro, 27 taong gulang, may kinakasama, cpnstruction worker at kapwa residente ng Barangay Balogo, Calatrava, Romblon.
Base sa imbestigasyon ng Calatrava Municipal Police Station, hila-hila umano ng biktima ang kanyang alagang baka para ipastol sa damuhan at nadaanan nito ang suspek na nasa ilalim ng espiritu ng alak na naglalaro ng basketball at sinabihan siya nito na huwag itali ang kanyang alagang baka sa kanyang mga pananim na humatong sa maiksing sagutan sa pagitan ng dalawa. Hindi na pinansin ng biktima ang suspek at umuwi na ito sa kanilang bahay.
Habang ang biktima na nasa kanilang at abala sa pagsasalin na gasolina sa bote ay dumating ang suspek at walang pahintulot na pumasok sa bahay ng biktima. Nagkaroon ng pagtatalo ang biktima at ang suspek na nauwi sa suntukan. Nakita ito ng kalive-in ng biktima at inawat ang suspek at sinabihan itong lumabas ng kanilang pamamahay. Ngunit hindi ito pinakinggan ng suspek na kumuha ng botelya na may lamang gasolina saka binasag at ginamit sa pananaksak sa biktima na tinamaan sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Kahit sugatan ay nagkaroon ng pagkataon ang biktima na makakuha ng gulok at tinaga ang suspek na tinamaan sa kaliwang kamay.
Natigil lamang ang kaguluhan ng dalawa noong inawat na ito ng mga dumating na tauhan ng CAFGU at ng mga istambay.
Parehong isinugod sa San Andres District Hospital ang suspek at biktima para malapatan ng kaukulang lunas.
Kasong Frustrated Homicide ang inihahandang isampa ng Calatrava MPS laban sa suspek sa tanggapan ng Piskalya sa Odiongan, Romblon. (AMM)






Add Comment