Deprecated: The called constructor method for WP_Widget class in EV_Widget_Entry_Views is deprecated since version 4.3.0! Use __construct() instead. in /home/romblons/public_html/wp-includes/functions.php on line 6131
Binatang wanted sa kasong rape sa San Fernando, Romblon, tiklo - Romblon Sun
Home » Blog » Binatang wanted sa kasong rape sa San Fernando, Romblon, tiklo

Binatang wanted sa kasong rape sa San Fernando, Romblon, tiklo

SAN FERNANDO, Romblon – Arestado ang isang binata na may mandamyendo de aresto dakong hapon ng Setyembre 13, 2023 sa Barangay Pili, San Fernando, Romblon.

Ang lalaki ay nakilala na si Ronnie Cano Rollon, 31 taong gulang, binata, construction worker at residente ng Barangay Pili, San Fernando, Romblon.

Si Rollon ay dinakip ng pinagsanib na operatiba ng San Fernando Municipal Police Station (Lead Unit), Cajidiocan Municipal Police Station at Magdiwang Municipal Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Honorable Ramiro R. Geronimo, Executive Judge ng Fourth Judicial Region, Regional Trial Court, Branch 81, Romblon, Romblon na may petsa na Marso 4, 2014 sa kasong Rape in relation to RA 7610 sa ilalim ng Criminal Case No. 3262.

Walang rekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Isinailalim sa kustodiya ng San Fernando MPS ang nasabing lalaki para sa kaukulang dokumentasyon. (AMM)

 

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment