Wanted sa Masbate nahuli sa San Fernando, Romblon

SAN FERNANDO, Romblon – Isang lalaki na may warrant of arrest ang dinakip nitong 9:00 ng umaga ng Agosto 24, 2023 sa Barangay Pili, San Fernando, Romblon.

Kinilala ang lalaki na si Allen Villanueva Develos, 54 taong gulang, may-asawa, construction worker, tubong Barangay Cabitan, Mandaon, Masbate at pansamantalang nakatira sa Barangay Pili, San Fernando, Romblon.

Si Develos ay inaresto ng mga tauhan ng CIDG-Romblon PFU kasama ang mga operatiba ng San Fernando Municipal Police Station, Sta. Fe Municipal Police Station, RID PRO MIMAROPA, Romblon CIT at 1st PMFC- Masbate PPO sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Hon. Teofilo Bariaga Tambago, Presiding Judge, Regional Trial Court, Branch 46, Masbate City noong Marso 14, 2022 sa kasong Attempted Murder sa ilalim ng Criminal Case No. 21739.

Nasa halagang P120,000.00 ang rekomendang piyansa ng korte para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.

Ang hinuling lalaki ay dinala sa CIDG-Romblon PFU para sa kaukulang disposisyon at ihaharap sa nakakasakop na korte. (AMMacalisang)

 

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment