Deprecated: The called constructor method for WP_Widget class in EV_Widget_Entry_Views is deprecated since version 4.3.0! Use __construct() instead. in /home/romblons/public_html/wp-includes/functions.php on line 6131
Alkalde ng Ferrol, Romblon at 200 na iba pa, huli sa sabong - Romblon Sun
Home » Blog » Alkalde ng Ferrol, Romblon at 200 na iba pa, huli sa sabong

Alkalde ng Ferrol, Romblon at 200 na iba pa, huli sa sabong

Camp Bgen. Efigenio C. Navarro, Calapan City, Oriental Mindoro – Inaresto ng Criminal Investigation Detection Group (CIDG) ang Punong Bayan ng Ferrol, Romblon  at ang humigit kumulang na 200 katao na nasa loob ng Tubigon Square Garden (Cockpit Arena) kaninang 10:20 ng umaga, Pebrero 6, 2022  sa Barangay Tubigon, Ferrol, Romblon.

Kinilala ang dinakip na alkalde na si Jovencio Ll. Mayor, Municipal Mayor ng bayan ng Ferrol, Romblon.

Ang pagkahuli kay Mayor Mayor ay resulta ng pinagsanib na operasyon na ikinasa ng Criminal Investigation Detection Group – Romblon Provincial Field Unit (Lead Unit), Ferrol Municipal Police Station at Romblon Provincial Mobile Force Company (RPMFC) bilang bahagi ng “Operation Plan (OPLAN) Bolilyo”.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, napag-alaman na nakatanggap ng impormasyon ang CIDG Romblon na mayroon umanong nagaganap na sabong sa Tubigon Square Garden (cockpit arena) kahit nasa ilalim ng Alert Level 3 ang lalawigan ng Romblon.

Dahil sa nasabing sumbong ay nagsagawa ng anti-illegal gambling operation ang kinaukulan na nagresulta sa pagkahuli sa mga suspek na aktong nagsasabong na malinaw na paglabag sa Inter-Agency Task Force (IATF) Resolution No. 159-A series of 2022 na may petsa na Enero 29, 2022 at Presidential Decree 449 or the Cockfighting law of 1974 as amended by Presidential Decree 1602.

Nakumpiska sa kanilang posisyon at kontrol ang hindi pa batid na halaga ng pera na ginamit sa pagtaya, mga gambling paraphernalia, mga sasabunging manok na patay at buhay na may nakakabit pang tari.

Sa kasalukuyan ay nasa ilalim ng kustodiya ng Romblon PMFC ang mga suspek.

Inihahanda naman ng CIDG Romblon PFU at Ferrol Municipal Police Station ang pagsampa ng kaukulang kaso sa Provincial Prosecutor’s Office sa Odiongan, Romblon laban sa mga suspek.

“I laud the CIDG, Romblon and other PNP Operating Units for this very remarkable accomplishment. May this serve as a stern warning for other elected officials and illegal gamblers that MIMAROPA Police will enforce the law without fear and favor,” ayon kay Police Brigadier General Sidney Sultan Hernia, Regional Director of Police Regional Office MIMAROPA. (Romblon Sun Staff)

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment