Nakatanggap ng sampung wheelchair ang lokal na pamalaan noong Disyembre 13, na pakikinabangan ng mga may kapansanan.
Ang mga nasabing wheelchair ay kaloob sa LGU ng Buddha Light International Association at sa The Cao Zhong Zhi Foundation.
Sa flag raising ceremony na ginawa noong Disyembre 13 na pinangunahan ni Odiongan Mayor Trina Firmalo-Fabic, pormal na tinanggap ng LGU ang mga nasabing kagamitan, sa tulong ng Children’s Sensory Integration Behavioral Approach and Language Enrichment (CSIBALE) Inc., na kasalukuyang pinamumunuan ni Dr. Leonie Firmalo, ina ng alkalde.
Ayon sa Odiongan Public Information Office, ang mga nasabing wheelchair ay malaking tulong hindi lamang sa mga taong may kapansanan higit lalo sa mga kapamilya na nag-aalaga sa kanila.
Mas maayos na kasi silang makakagalaw-galaw sa loob ng bahay.
Mas magiging madali na rin para sa kanila kung sakaling kailangang umalis ng bahay, lalo na kapag kailanganing magpa check-up. (PJF/PIA Mimaropa)







Add Comment