Masaya ang pasko ng 112 na pamilya mula sa 13 barangay sa bayan ng Odiongan matapos tumanggap sila ng maagangg pamasko mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at Pines Estate Gaming Corporation (PECG), STL agent-corporation na nag-ooperate sa Romblon.
Bilang bahagi kasi ng 87th year Anniversary ng PCSO, nagsagawa sila ng gift-giving activity na tinawag nilang “Handog Pasasalamat sa mga Ka-Barangay Ko”, kung saan nagbigay sila ng mga grocery package sa mga benepisyaryo.
Naglalaman ang grocery packagae ng mga gatas, kape, Milo, face masks at face shield at iba pang grocery items. Nakatanggap rin ang mga benepisyaryo ng tig-isang sako ng 10kg ng bigas.
Sa kanyang welcome message, sinabi ni PECG Operations Manager Noel Corpuz na masaya ang PCSO at ang PECG dahil nakakatulong sila hindi lamang sa mga benepisyaryo maging sa kanilang mga pamilya na makikinabang sa mga gift packs.
Samantala, nagpasalamat naman si Administrative Officer III at Branch Head ng PCSO Romblon na si Ms. Kristy Fetalver sa pamunuan ng PCSO sa pangunguna nina PCSO Chairperson Anselmo Simeon Pinili at PCSO General Manager Royina Marzan Garma, dahil sa walang sawang pagbibigay saya at tulong sa mga Pilipino.
Hinikayat rin nito ang publiko na tangkilikin pa ang mga programa ng PCSO, kasama ang PCSO Lotto dahil marami ang natutulungan nito.
Dumalo rin sa nasabing gift giving activity ang iba pang kawani ng PCSO-Romblon Branch na sina Mr. Ariel Gala, Ms. Kathy Foja at Mary Rose Fallaria; at mga kawani ng Pines Estate Gaming Corporation na sina Ariel Desipeda, Gelyn Faderon, Renante Robles at Nilo Matala. (PJF/PIA Mimaropa)







Add Comment