Deprecated: The called constructor method for WP_Widget class in EV_Widget_Entry_Views is deprecated since version 4.3.0! Use __construct() instead. in /home/romblons/public_html/wp-includes/functions.php on line 6131
Police Files Tonite Publisher Venancio tatakbo sa pagka Congressman ng Romblon - Romblon Sun
Home » Blog » Police Files Tonite Publisher Venancio tatakbo sa pagka Congressman ng Romblon

Police Files Tonite Publisher Venancio tatakbo sa pagka Congressman ng Romblon

ROMBLON, Romblon – Pormal na naghain ng kanyang kandidatura sa pagka kongresista ng Romblon ang Publisher ng national tabloid na Police Files Tonite na si Joey Galicia Venancio nitong umaga ng Oktubre 5, 2021 sa bayan ng Romblon, Romblon para sa gaganaping halalan sa susunod na taon.

Si Venancio ay nagsumite ng kanyang certificate of candidacy (COC) sa opisina ng Commission on Election (COMELEC) para sa pagka Congressman ng lone district ng lalawigang Romblon sa tiket ng Aksyon Demokratiko.

Kasama ni Venancio sa oposisyon sina dating Governor Eduardo “Lolong” Firmalo ng Liberal Party na muling lalaban bilang gobernador at ang reeleksyunista na si Vice Governor Felix “Dongdong” Ylagan na tatakbo sa ilalim ng Partido na Aksyon Demokratiko.

Si Venancio ay tubong Guinbirayan, Santa Fe, Romblon at Publisher ng kilalang national tabloid na Police Files Tonite na naka base sa Maynila.

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment