Senior Citizen natagpuan na duguan at walangbuhay sa loob ng kanyang bahay sa Odiongan, Romblon

ODIONGAN, Romblon – Wala nang buhay ng datnan ng kanyang anak na babae na naghatid ng pagkain ang isang 82 na ginang na nakahandusay sa loob ng kanyang kuwarto, duguan, at walang saplot na pang-ibaba dakong 8:30 ng umaga ng Oktubre 20, 2025 sa Sitio Bagong Silang, Barangay Amatong, Odiongan, Romblon.

Napag-alaman na ang biktimang lola na residente ng nasabing barangay ay nagtamo ng limang saksak sa bandang likuran at isa sa kaliwang bahagi ng dibdib na siya niyang ikinamatay.

Ayon sa pulisya, pinasok umano ng hindi pa nakikilalang suspek ang bahay ng biktima sa pamamagitan ng pagdaan sa bintana na gawa sa kawayan sa likuran ng kanilang bahay.

Nag-iisa umano at walang kasama ang matanda noong gabing maganap ang krimen.

Hindi pa batid ang motibo sa pagpaslang sa biktima.

Kasalukuyan pang iniimbestigahan ng SOCO ang nasabing pangyayari. (RSun Staff)

 

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment