Deprecated: The called constructor method for WP_Widget class in EV_Widget_Entry_Views is deprecated since version 4.3.0! Use __construct() instead. in /home/romblons/public_html/wp-includes/functions.php on line 6131
Rovillos balik sa pagka meyor ng San Andres, Romblon matapos talunin si Mayor Gadon - Romblon Sun
Home » Blog » Rovillos balik sa pagka meyor ng San Andres, Romblon matapos talunin si Mayor Gadon

Rovillos balik sa pagka meyor ng San Andres, Romblon matapos talunin si Mayor Gadon

SAN ANDRES, Romblon – Nagwagi si Dr. Fernald G. Rovillos laban sa kanyang mahigpit na katunggali na si Mayor Arsenio Gadon sa pagka alkalde ng bayan ng San Andres, Romblon sa katatapos na halalan nitong Lunes, Mayo 12, 2025.

Si Rovillos na tumakbo sa ilalim ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) ay nakalikom ng kabuuang boto na 5,705 samantalang si Mayor Gadon ng Nacionalista Party (NP) ay nakakuha ng boto na 4,523.

Maalaala na pangtatlong laban na ito nina Rovillos at Gadon kung saan ay una silang naglaban sa pagka-alkalde ng bayan ng San Andres noong 2019 na halalan na pinagwagian ni Gadon na dating bise alkalde ni Mayor Rovillos noon.

Muli silang naglaban sa parehong posisyon noong “Halalan 2022” at muling nahalan bilang meyor si Mayor Gadon na nakalikom ng 5,090 na boto kontra sa nakuhang boto ni Rovillos na 4,448.

Parehong tumakbo sa pagka meyor ang dalawa na walang katandem na bise alkalde.

Walang kalaban ang kandidato ng NPC sa pagka vice mayor na si Vice Mayor Joel Ibañez na may nalikom na 7273 votes.

Pasok naman sa pagka sangguniang bayan member sina Jean Fronda na may nakuhang boto na 5,171, Mahal Galang na mayroong boto na 4,475, Bryan Jay Gadon na may nalikom na 4,449, Erwin Tangonan na may 4,083 na boto, Doc Yvonne Katalbas na nakuha ng 3,631 na boto, Miles Fabula na may 3,423 na boto, Flory Galus na may boto na 3,336 at Rodel Mores na may 3,306 na boto.

Sina Fronda, Tangonan at Galus ay tumakbo sa ilalim ng Nationalist Peoples Coalition, habang nasa Nacionalista Party naman sina Galang, Gadon at Katalbas, at tanging sina Fabula at Mores ang kapartido ng bagong halal na si Mayor Rovillos sa PFP.

(Tony Miñano Macalisang)    

 

 

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment