Deprecated: The called constructor method for WP_Widget class in EV_Widget_Entry_Views is deprecated since version 4.3.0! Use __construct() instead. in /home/romblons/public_html/wp-includes/functions.php on line 6131
Embalsamador timbog sa ilegal na droga sa Odiongan, Romblon - Romblon Sun
Home » Blog » Embalsamador timbog sa ilegal na droga sa Odiongan, Romblon

Embalsamador timbog sa ilegal na droga sa Odiongan, Romblon

ODIONGAN, Romblon –  Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002)  ang isang lalaking embalsamador matapos masakote sa buy-bust operation kontra ilegal na droga nitong 4:30 ng hapon ng Biyernes, Disyembre 27, 2024 sa Barangay Poctoy, Odiongan, Romblon.

Ang suspek ay kinilala ng Odiongan Municipal Police Station (OMPS), na isang 33 taong gulang na lalaki, may-asawa, embalsamador/driver at residente ng Barangay Libertad, Odiongan, Romblon.

Ayon sa ulat ng Odiongan MPS, nagsagawa umano ng buy-bust operation ang mga tauhan ng MDEU ng Odiongan MPS sa koordinasyon ng PDEA MIMAROPA na nagresulta sa pagkahuli sa nasabing suspek matapos itong mabilhan ng isang piraso na plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang ilegal na droga kapalit ng isang libong peso (P1,000.00).

Nakarekober pa sa posisyon ng suspek ng tatlong piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu.

Ang nakumpiskang ilegal na droga sa suspek ay tinataya na may timbang na MOL 0.0670 grams na nagkahahalaga ng kumigit kumulang sa P4,000.00.

Ang inarestong suspek at ang nakuhang ebidensiya ay isinailalim sa kustodiya ng Odiongan MPS para sa kaukulang dokumentasyon. (RSun Staff)

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment