Deprecated: The called constructor method for WP_Widget class in EV_Widget_Entry_Views is deprecated since version 4.3.0! Use __construct() instead. in /home/romblons/public_html/wp-includes/functions.php on line 6131
Dating magka-tandem, ngayon maglalaban sa pagka meyor ng San Jose… MAYOR SOMBILON VS VICE MAYOR SAMSON - Romblon Sun
Home » Blog » Dating magka-tandem, ngayon maglalaban sa pagka meyor ng San Jose… MAYOR SOMBILON VS VICE MAYOR SAMSON

Dating magka-tandem, ngayon maglalaban sa pagka meyor ng San Jose… MAYOR SOMBILON VS VICE MAYOR SAMSON

SAN JOSE, Romblon – Maghaharap sa pagka alkalde ng bayan ng San Jose, Romblon ang dating magkatanden na si Mayor Egdon Sombilon at Vice Mayor Ronnie Samson na parehong nanalo sa nakalipas na halalan noong 2022.

One on one ang maging labanan ngayon nina Mayor Sombilon at Vice Mayor Samson. Nasa kanyang unang termino sa pagka punong ama ng nasabing bayan si Mayor Sombilon.

Matatandaan na lima ang kandidatong nagkatunggali sa pagka mayor ng San Jose sa nakalipas na halalan’ 2022 na kinabibilangan nina Eduard Estimado, Adriano Fernandez, Jr., Milky Maming at Fil Tandog na winagihan ni Mayor Sombilon.

Katulad ng dalawa ay magsasagupa rin para sa pagka vice mayor ang dalawang incumbent na Sangguniang Bayan na sina SB member Napoleon Tandog, Jr. at SB member Ghel Zacarias.

Si Zacarias na may pinakamataas na boto sa pagka konsehal sa nakalipas na eleksyon ay katandem ni Vice Mayor Samson na parehong tumatakbo sa ilalim ng Nacionalista Party, samantalang katiket naman ni Mayor Sombilon si SB member Tandog na magkasama sa Partido Federal ng Pilipinas.

Nakapananabik ang labang ito na magandang abangan. Ang kanilang kapalaran ay nakasasalay sa ihusga ng mga botante na mga Hambilanons, (Tony Miñano Macalisang)

 

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment