SAN JOSE, Romblon – Humabol sa huling araw ng rehistrasyon ng kandidatura ang grupo ni Vice Mayor Ronnie D. Samson ng San Jose Romblon nitong Oktubre 8, 2024.
Si Vice Mayor Samson na muling tatakbo sa pagka alkalde ng San Jose ay pormal na nasumite ng kanyang certificate of candidacy (COC) sa COMELEC San Jose.
Magiging katandem nito ang kasalukuyang Sangguniang Bayan member at topnotcher noong nakaraang halala na si Argel Agustin Zacarias na naghain ng kanyang kandidatura sa pagka vice mayor.
Ang kanilang mga kasamahan na kandidato sa pagka konsehal ay sina Ally Gabinete Aron, Edwin Tumbagahan Abon, Ruel Rufino Agustin, Reden Casimero Sungcang, Noel Pablo Bandala, Enacio Alejandro Pablo, Honorio Bernabe Maming at Wilson Miguel.
Ayon kay Vice Mayor Samson, nais niyang ipagpatuloy ang mga nasimulan niyang pagbabago at mga programang naglalayong itaas ang antas ng pamumuhay ng kanyang mga kababayan na Hambilenyo.
Si VM Samson ay naglingkod ng tatlong termino bilang punong Ama ng Bayan ng San Jose at nahalal na bise alkalde sa nakalipas na eleksyon.







Add Comment