SANTA FE, Romblon – Pormal na naghain ng kanilang certificate of candidacy (COC) sa Commission on Election (COMELEC) sa bayan ng Santa Fe, Romblon ang grupo ni Atty. Narcisa T. Medina kahapon, Oktubre 6, 2024.
Tatakbo si Atty Medina sa pagka alkalde ng Santa Fe katandem si Sangguniang Bayan member Fernando Fernando bilang kanyang Vice Mayor.
Kasama ni Atty Medina sa kanilang hanay ang apat na kakandidato sa pagka Sangguniang Bayan na kinabibilangan nina dating TESDA Provincial Director ng Romblon na si Engr. Lynette Molina Gatarin, ang nagretirong guro na si Juel Gonzales, kasalukuyang Barangay Kagawad ng Pandan na si Alfie Lorenzo at dating Barangay Gagawad ng Barangay Tabugon na si Julius Sarito.
Malaking hamon para kay Atty. Medina ang pagbangga sa batikang pulitiko ng Santa Fe na si Visca na kung ilang termino nang nagpalitan silang mag-asawa sa pagpatakbo sa munisipyo ng Santa Fe, Romblon. (Romblon Sun Staff)








Add Comment