ODIONGAN, Romblon – Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang lineman ng TIELCO matapos itong aksidenteng makoryente at mahulog sa poste na may taas na 15-20 feet nitong hapon ng Lunes, Hulyo 29, 2024 sa Sitio Bagulayag, Barangay Tubigon, Ferrol, Romblon.
Kinilala ang biktima na si Andy Forcadas, 32 anyos, binata, at residente ng Sitio Torrel, Barangay Dapawan, Odiongan, Romblon.
Ayon sa ulat, nasa itaas ng steel pole ang biktima at ang kasamahang lineman na si Carlos John Garcia at inaayos ang depektibong insulator pole top pin na dahilan sa pagkawala ng daloy ng koryente, ay aksidente itong nakahawak sa gawad na “live secondary line” at dahilan para ito ay makoryente at mahulog sa poste na may taas na 15 hanggang 20 talampakan at bumagsak sa sementadong kalsada.
Agad itong isinugod sa Romblon Provincial Hospital ng kanyang mga kasamahan ngunit ย idineklara itong dead on arrival (DOA) ng sumuring manggagamot. (RSun Staff)







Add Comment