Home » Blog » Lalaki tiklo sa buy-bust operation ng ilegal na droga sa Looc, Romblon

Lalaki tiklo sa buy-bust operation ng ilegal na droga sa Looc, Romblon

LOOC, Romblon – Hulog sa bitag ang isang lalaki matapos masakote sa ginawang buy-bust operation ng kapulisan dakong 6:00 ng hapon ng Hunyo 28, 2024 sa Barangay Camandag, Looc, Romblon.

Ang suspek ay kinilala ng Looc Municipal Police Station (LMPS) na si Mark Anthony Marcelo Marasigan, 43 taong gulang, may-asawa, walang trabaho at residente ng Sitio Carolina, Barangay Poblacion, Looc, Romblon.

Sa ulat ng Looc MPS, ang mga tauhan ng Looc MPS MDEU sa ilalim ng superbisyon ni PMaj John Anthony G. Angio (lead unit) katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Romblon Police Provincial Office (RPPO), Romblon Maritime Group at 1st Platoon, RPMFC ay nagsagawa ng anti-illegal drugs operation (buy-bust) kung saan ang poseur-buyer ng kapulisan ay nakabili sa suspek ng isang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang “shabu”.

Matapos ang transakyon ay isang senyas ang binigay ng poseur-buyer at agad na kumilos ang arresting officer at hinuli ang suspek pagkaraan na basahan ito ng kanyang karapatan sa ilalim ng Batas ng Pilipinas.

Sa harap ng suspek at sa barangay opisyal ng nasabing barangay na si Hon. Robert Palacio, Barangay Chairman ng Barangay Camandag, Looc, Romblon at Ginoong Randy Visca representante ng Media na PD SPIN ay isinagawa ang pagsiyasat sa supek.

Narekober sa posisyon ng suspek ang isang piraso na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang “shabu”, pera, kaha ng sigarilyo at motorsiklo na Honda Beat 125.

Ang nakuhang mga ebidensya sa suspek ay dadalhin sa Romblon Forensic Unit sa Odiongan, Romblon para sa kaukulang eksaminasyon kasama ang suspek na isailalim naman sa drug test.

Kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang inihahandang isampa sa piskalya laban sa suspek na sa kasalukuyan ay nasa ilalim ng kustodiya ng Looc MPS. (RSun Staff)

 

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment