Home » Blog » Lalaki natagpuan na nakabitin sa kisame ng kanyang kuwarto sa Romblon, Romblon, patay

Lalaki natagpuan na nakabitin sa kisame ng kanyang kuwarto sa Romblon, Romblon, patay

ROMBLON, Romblon – Lalaki natagpuan na may tali sa leeg at walang buhay na nakabitin sa kisame sa loob ng kanyang kuwarto nitong nakaraang araw sa Barangay Macalas, Romblon, Romblon.

Ang biktima ay nakilala na si “Rey” 28 anyos, may kinakasama, laborer at residente ng Barangay Macalas, Romblon, Romblon.

Ayon sa imbestigasyon ng Romblon Municipal Police Station, ang biktima ay natagpuan ng kapatid ng kanyang kinakasama na may nakapulupot na lubid sa kanyang leeg habang nakabitin sa kisame ng kanyang kuwarto.

Agad naman itong humingi ng tulong sa kanilang mga kapitbahay kung saan ay kanilang inalis ang biktima sa pagkabitin sa kisame at isinugod sa Romblon District Hospital ngunit idineklara itong dead on arrival (DOA) ng sumuri na manggagamot.

Bago ang nasabing insidente, ang biktima at ang kanyang kinakasama ay nagkaroon umano ng argumento sa messanger na maaring nagdulot ng depresyon sa biktima at nag desisyon ito ng hindi maganda.

Kumbinsido naman ang pamilya ng biktima na walang foul play na naganap sa pagkamatay ng biktima. (RSun Staff)

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment