Home » Blog » Sunog na bangkay natagpuan sa natupok na bahay sa Santa Maria, Romblon

Sunog na bangkay natagpuan sa natupok na bahay sa Santa Maria, Romblon

SANTA MARIA, Romblon – Isang sunog na bangkay ng isang matanda ang natagpuan sa nasunog na bahay dakong 6:30 ng umaga ng Hunyo 12, sa Sitio Cum-hot, Barangay San Isidro, Santa Maria, Romblon.

Kinilala ang nasunog na bangkay na si Reynaldo G. Ramirez, 73 taong gulang, may-asawa, magsasaka, at residente ng nasabing lugar.

Sa imbestigasyon ng Santa Maria Police Station, napansin umano ng kapitbahay ng biktima na si Elmo Galang Mariano ang makapal na usok galing sa bahay ng biktima. Agad umano itong pumunta sa naturang lugar at kanyang nakumpirma na nasusunog ang bahay ng kanyang kapitbahay na matanda.

Sa tulong ng BFP ng Santa Maria, Romblon ay naapula ang sunog at dineklara itong fire-out dakong 8:00 ng umaga ng naturang araw.

Nadiskubre ng mga tauhan ng BFP Santa Maria ang sunog na bangkay na kinumpirma ni Dr, Mark John Madrigal, Municipal Health Officer ng Rural Health Unit ng Santa Maria, Romblon na iyon ang may-ari ng bahay na si Reynaldo Ramirez.

Ayon sa apo ng biktima na si Reymart Ramirez Largueza, ang kanyang lolo ay dumaranas umano ng despresyon dahil sa problema sa pamilya at nag-iisang namumuhay sa kanyang bahay. At bago ang nasabing insidente ay nagtanka rin umanong itong magsunog sa sarili sa pamamagitan ng pagbuhos ng gasolina sa kanyang katawan subalit ito ay kanya umanong maagap na napigilan.

Base sa pag-imbestiga ng Santa Maria MPS ay wala silang nakitang foul play sa naturang pangyayari. (RSun Staff)

 

 

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment