CORCUERA, Romblon – Nahaharap sa paglabag sa RA 9165 ang isang lalaki matapos makakuha ng ilegal na droga sa kanyang bahay noong ito ay pasukin ng kapulisan sa bisa ng search warrant dakong 3:48 ng madaling araw kanina, Hunyo 16, 2024 sa Barangay Mabini, Corcuera, Romblon.
Ang suspek ay kinilala ng Corcuera Municipal Police Station na si Joseph Famat Fruelda, 52 anyos, balo, walang trabaho at residente ng nasabing lugar.
Ayon sa Corcuera MPS, ang pinagsanib na tauhan ng Corcuera MPS (lead unit), kasama ang Romblon RPDEU at Romblon PPO-PIU ay inimplenta ang inilabas na Search Warrant No. 40-24 na may petsa na Hunyo 13, 2024 na inisyu ni Hon. Judge Donna B. Pascual, Executive Judge, Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Branch 81, Romblon, Romblon sa paglabag sa RA 9165 (The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) sa bahay ng suspek.
Matapos halughugin ang bahay ng suspek ay natagpuan dito ang limang (5) piraso na transparent heat sealed plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang “shabu”, isang piraso na transparent plastic container, tatlong piraso na aluminim foil strips, at 16 piraso na empty heat-sealed transparent plastic.
Ang pag-imbentaryo, pagkuha ng mga litrato at pagmarka ay isinagawa sa lugar ng operasyon at sa harap ng suspek at mga opisyal ng nasabing barangay.
Ang nakumpiskang mga ebidensiya at ang suspek ay dadalhin sa Romblon Provincial Crime Laboratory Office para sa kaukulang eksaminasyon.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 (The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) na inihahandang isampa ng Corcuera MPS laban sa nsabing suspek sa pamamagitan ng inquest proceeding sa Provincial Prosecutor’s Office sa Romblon, Romblon. (RSun Staff)







Add Comment