SANTA FE, Romblon – Dinakip ng kapulisan ang isang lalaki na may warrant of arrest sa kasong sexual assault dakong hapon nitong nakalipas na araw ng Mayo 8 sa Barangay Magsaysay, Santa Fe, Romblon.
Ang lalaki na pampito sa most wanted person sa rehiyon ng MIMAROPA at nangunguna sa bayan ng Santa Fe ay nakilala na si Rudy Yap Gaspado, Jr. 48 taong gulang, may kinakasama, laborer at residente ng Barangay Danao Norte, Santa Fe, Romblon.
Si Gaspado ay hinuli ng mga tauhan ng Santa Fe Municipal Police Station, katuwang ang PIT-Romblon, RIU 4B at RPMFC sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu nitong Mayo 7, 2024 ni Hon. Edwin B. Buffe, Executive Judge, Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Branch 82, Odiongan, Romblon sa kasong Sexual Assault docketed under Criminal Case No. OD-3425 na may rekomendang piyansa na halagang P120,000.00, at Criminal Case No. OD-3426 sa kasong Statutory Rape at Criminal Case No. OD-3427 sa kasong Statutory Rape na pawang walang rekomendang piyansa ang Korte para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.
Ang inarestong suspek ay isinailalim sa kustodiya ng Santa Fe MPS para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon. (RSun Staff)






Add Comment