ROMBLON, Romblon – Isang banyagang dayuhan na may mandamyento de aresto ang dinakip ng kapulisan dakong 2:35 ng hapon ng Pebrero 27, 2024 sa Barangay Poblacion – I, Romblon, Romblon.
Kinilala ang dayuhan na si Johan Arnold Gabriell Vander Poorten alyas “Johan Vander Poorten”, 64 anyos, may-asawa, Belgian National at nakatira sa Barangay Lonos, Romblon, Romblon.
Si Poorten ay hinuli ng mga tauhan ng Romblon Municipal Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu nitong Pebrero 7, 2024 ni Honorable Donna B. Pascual, Presiding Judge, Family Court, Fourth Judicial Region, Branch 19, Romblon, Romblon sa paglabag sa RA 9262 (Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004) sa ilalim ng Criminal Case number FC-236-B-24, FC-237-B-24, FC-238-B-24, at FC-239-B-24 at may rekomendang piyansa na halagang P2,000.00 bawat kaso para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.
At sa paglabag sa RA 9262 sa ilalim ng Criminal Case number FC-240-B-24, FC-241-B-24, FC-242-B-24, FC-243-B-24 at FC-244-B-24 na may rekomendang piyansa ang Korte para sa pansamantalang kalayaan ng dayuhan na halagang P72,000.00 bawat kaso.
Ang inarestong Belgian national ay isinailalim sa kustodiya ng Romblon MPS para sa kaukulang dokumentasyon. (RSun Staff)







Add Comment