ROMBLON, Romblon – Dinakip ng kapulisan ang isang lalaking estudyante na may warrant of arrest nitong umaga ng Pebrero 22, 2024 sa Barangay Poblacion II, Romblon, Romblon.
Ang hinuli ay kinilala na si Kier Tayo Pesarit, 19 taong gulang, binata, estudyante at nakatira sa Barangay Agnaga, Romblon, Romblon.
Si Pesarit ay inaresto ng mga tauhan ng Romblon Municipal Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Honorable Maria Cristita A. Rivas-Santos, Presiding Judge, Municipal Circuit Trial Court, Fourth Judicial Region, Romblon, Romblon sa kasong paglabag ng Serious Physical Injuries (RPC Art. 263) Resulting to Permanent Deformity sa ilalim ng Criminal Case No. 4795.
May rekomendang piyansa ang Korte na halagang P30,000.00 para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.
Ang dinakip na lalaki ay isinailalim sa kustodiya ng Romblon MPS para sa dokumentasyon at ihaharap sa nakasasakop na Korte para sa kaukulang disposisyon. (RSun Staff)







Add Comment