Deprecated: The called constructor method for WP_Widget class in EV_Widget_Entry_Views is deprecated since version 4.3.0! Use __construct() instead. in /home/romblons/public_html/wp-includes/functions.php on line 6131
Lalaki na may warrant of arrest sa kasong rape, tiklo sa San Agustin, Romblon - Romblon Sun
Home » Blog » Lalaki na may warrant of arrest sa kasong rape, tiklo sa San Agustin, Romblon

Lalaki na may warrant of arrest sa kasong rape, tiklo sa San Agustin, Romblon

SAN AGUSTIN, Romblon – Sa kulungan ang bagsak ng isang lalaki na may kasong rape matapos itong mahuli ng kapulisan nitong hapon ng Pebrero 19, 2024 sa Barangay Dubduban, San Agustin, Romblon.

Ang suspek ay nakilala na si King Mark Marquez Salabao, 22 anyos, construction worker at residente ng Barangay Cabolutan, San Agustin, Romblon.

Si Salabao ay dinakip ng mga tauhan ng San Agustin Municipal Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu noong Pebrero 16, 2024 ni Hon. Donna Borda Pascual, Presiding Judge, Regional Trial Court, Family Court, Fourth Judicial Region, Branch – 19, Romblon, Romblon sa kasong Statutory Rape under RA No. 11648 sa ilalim ng Criminal Case No. FC-235-B-24.

Walang rekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.

Ang inarestong lalaki ay dinala sa San Agustin MPS para sa kaukulang dokumentasyon. (RSun Staff)

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment