Deprecated: The called constructor method for WP_Widget class in EV_Widget_Entry_Views is deprecated since version 4.3.0! Use __construct() instead. in /home/romblons/public_html/wp-includes/functions.php on line 6131
Top 1 na Wanted Person ng San Andres, Romblon na may kasong Rape, arestado - Romblon Sun
Home » Blog » Top 1 na Wanted Person ng San Andres, Romblon na may kasong Rape, arestado

Top 1 na Wanted Person ng San Andres, Romblon na may kasong Rape, arestado

SAN ANDRES, Romblon – Dinakip ng kapulisan ang isang lalaki na Top 1 na most wanted person sa bayan ng San Andres at Top 2 sa probinsya ng Romblon kaninang 11:30 ng umaga, Pebrero 10, 2024 sa Barangay Mabini, San Andres, Romblon.

Kinilala ang lalaki na si Lorenz Francisco Alojado, 36 taong gulang, binata, magsasaka, at residente ng Barangay Mabini, San Andres, Romblon.

Si Alojado ay hinuli ng pinagsanib na tauhan ng San Andres Municial Police Station (lead unit), PIT Romblon RIU-4B at Romblon CIT RID MIMAROPA sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu nitong Pebrero 5, 2024 ni Hon. Edwin B. Buffe, Executive Judge ng Regional Trial Court, Branch 82, Odiongan, Romblon sa kasong Rape, two counts, na may penalidad sa ilalim ng Art. 226-A par 1 (d) of the RPC, as amended by RA 8353, as further amended by RA 11648 na naka docket sa Crim. Case No. OD-3378 at OD-3379.

Walang rekomendang piyansa ang Korte para sa pansamantalang kalayaan ng lalaki.

Ang inarestong lalaki ay isinailalim sa kustodiya ng San Andres MPS para sa kaukulang disposisyon. (RSun Staff)

 

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment