Deprecated: The called constructor method for WP_Widget class in EV_Widget_Entry_Views is deprecated since version 4.3.0! Use __construct() instead. in /home/romblons/public_html/wp-includes/functions.php on line 6131
Naaberyang pumpboat nailigtas ng Coast Guard sa Looc, Romblon - Romblon Sun
Home » Blog » Naaberyang pumpboat nailigtas ng Coast Guard sa Looc, Romblon

Naaberyang pumpboat nailigtas ng Coast Guard sa Looc, Romblon

LOOC, Romblon – Isang pumpboat na may lulan na sampu katao ang nailigtas ng Coast Guard Sub-Station (CGSS) Looc at Bantay Dagat nitong Pebrero 8, 2024 sa karagatan na sakop ng Barangay Agojo, Looc, Romblon.

Ayon sa CGSS Looc, dakong 3:40 ay tumawag at humingi ng tulong  si Benrol Palacio, operator ng nasabing naaberyang pumpboat na MBCA Jedidiah 2.

Agad namang kumilos ng mga tauhan ng CGSS Looc at Bantay-Dagat, gamit ang rescue boat ng Municipal Disaster Risk and Reduction Management Office (MDRRMO) at MBCA “Gezel Kelvin”, at pumalaot upang magsagawa ng search and rescue (SAR) operation.

Dumating ang grupo sa kinaroroonang lugar ng nasiraang bangka dakong 3:50 ng hapon at tiniyak nila na ligtas ang lahat na pasahero ng MBCA “Jedidiah 2”.

Hinila ng MBCA Gezel Kelvin ang naaberyang pumpboat na MBCA “Jedidiah 2” papunta sa pantalan ng Looc, Romblon.

Ayon sa operator ng bangka na si Palacio, habang naglalayag umano sila sa nasabing lugar ay napansin nito na ang propeller shaft ng pumpboat ay nabasag kaya’t sila ay nagpalutang-lutang at inanod.

Naging maayos naman ang lagay ng mga pasahero at ligtas na nakauwi sa kanilang mga tahanan. (RSun Staff)

 

 

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment