Home » Blog » Lalaki, inireklamo ng pananampal ng isang babae sa kasagsagan ng palabas ng Miss Gay Pageant sa kabesira

Lalaki, inireklamo ng pananampal ng isang babae sa kasagsagan ng palabas ng Miss Gay Pageant sa kabesira

ROMBLON, Romblon – Inireklamo ng isang babae ang isang lalaki na umano’y sumampal sa kanya dakong 11:50 ng gabi ng Enero 14, 2024 sa Public Plaza Covered Court, Barangay Poblacion-I, Romblon, Romblon.

Ang nagreklamo ay nakilala na sina Kaylor Janine Rocha Escalada, 24 taong gulang, walang asawa, self-employed, Ibarra Jose Mariveles Escalada, 45 anyos, may-asawa, supervisor ng Atlanta Industry at si Francis Stanley Caballero Benegas, 26 taong gulang, binata, at parehong nakatira sa Barangay Poblacion – II, Romblon, Romblon habang  ang lalaking inireklamo ay kinilala na si  Keith Fradejas, nasa hustong gulang at residente ng Barangay Ligaya, Odiongan, Romblon.

Ayon sa ulat ng Romblon Municipal Police Station (RMPS), habang nanonood umano ng palabas na Miss Gay Pageant si Kaylor Escalada sa nasabing lugar ay nilapitan nito si Keith Fradejas at kinompronta ito tungkol sa pambubully umano nito sa kanya sa social media noon. Nainis umano si Fradejas at sinampal siya sa mukha.

Nakita umano ito ng tatay ni Kaylor na si Ibarra Jose Escalada at kasamahang si Francis Stanley at kanila umanong inawat si Fradejas, ngunit kinalmot umano sila sa mukha at tumakbo ito.

Dinala umano sa Romblon District Hospital si Kaylor Escalada.

Kasong Physical Injury ang inihanda ng Romblon MPS na isampa sa Tanggapan ng Provincial Prosecutor, Romblon, Romblon laban kay Fradejas. (RSun Staff)

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment