SANTA FE, Romblon – Inaresto ng kapulisan ang isang magsasaka na may warrant of arrest sa kasong Rape nitong hapon ng Enero 10, 2024 sa Barangay Mat-i, Santa Fe, Romblon.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Carlos Guhol Dusa, 52 anyos, walang asawa, magsasaka at residente ng Barangay Mat-i, Santa Fe, Romblon.
Si Dusa ay hinuli ng pinagsanib na operatiba ng CIDG Romblon PFU (lead unit), Santa Fe Municipal Police Station, Romblon PIU Tracker Team, Odiongan Municipal Police Station at Romblon Provincial Mobile Force Company sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu noong Enero 4, 2024 ni Honorable Edwin B. Buffe, Executive Judge, Regional Trial Court, Branch 82, Odiongan, Romblon sa kasong two counts of Rape.
Walang nirekomendang piyansa ang Korte para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.
Ang dinakip na lalaki ay isinailalim sa kustodiya ng CIDG Romblon PFU para sa kaukulang dokumentasyon. (RSun Staff)







Add Comment