SAN AGUSTIN, Romblon – Magkasunod na hinuli ng mga pulis ang tatlong lalaki na parehong may warrant of arrest dakong hapon ng Enero 6, 2024, sa San Agustin, Romblon.
Unang inaresto ang menor de edad na si “Totoy”, 16 taong gulang, binata at residente ng Barangay Poblacion, San Agustin, Romblon, sumunod si alyas “Boy”, 17 anyos, binata, at residente ng Barangay Cagboaya, San Agustin, Romblon.
Nahuli naman kinabukasan ng umaga, Enero 7, sa Barangay II-Poblacion, Romblon, Romblon ng pinagsanib na tauhan ng Corcuera Municipal Police Station (lead unit), Romblon Municipal Police Station, San Agustin Municipal Police Station at PDEU-Romblon PPO ang isa pang suspek na kinilala na si Aries Lazaro Gala, 18 taong gulang, binata, magsasaka at residente ng Barangay Carmen, San Agustin, Romblon.
Ang tatlong suspek ay inaresto sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu noong Disyembre 22, 2023 ni Honorable Cirile Maduro Foja, Presiding Judge, Fourth Judicial Region, Branch 81, Romblon, Romblon sa kasong Robbery (RPC Article 293) na naka-docket sa ilalim ng Criminal Case No. 4170-23.
May rekomendang piyansa ang Korte na halagang P36,000.00 bawat isa para sa kanilang pansamantalang kalayaan.
Ang mga dinakip ay isinailalim sa kustodya ng kapulisan. (RSun Staff)







Add Comment