Ni JUN FIEDACAN
Sa aking pagiikot sa mga bukirin ng ating mga magsasaka ay ramdam ko ang malaking kabiguan sa kanilang mababang produksyon ng mga palay. Mga palayan na dati ay umaani ng 50 caban ay 25 kaban na lang ang nakuha. Mga halaman na hindi na mumunga kahit na namumulaklak. Mga gulay na hindi lumago kahit maayos ang pagtatanim at marami pang ibang mga dahilan.
Sabi nga ng isang magsasaka ay ito na talaga siguro ang panahon na sinasabi ng mga matatanda. Pagod na ang lupa sa tagal nang binubukid. “Tikor ey kag duta kada inde ey mag ado kag tanom”.
Dahil sa mga nangyayaring ganito, siguro ay muli nating balikan ang episyenting sestima sa pagbubukid. At marami ito na dapat isakatuparan para sa tamang sestima.
Soil Analysis and Soil Sampling – Ang soil analysis ay isang sestima na kumukuha ng samples sa iyong lupa sa bukirin. Dinadala sa laboratoryo at pinag-aaralan kung anong mga nutrient ang kulang sa iyong lupa. Paano ito ginagawa? Sa panahon ng tag-araw ang iyong bukirin o tubigan sa pamamagitan ng isang design ay hahatiin mo sa sampung parte. Sa bawat parting ito ay kukuha ng sampol ng lupa at least 150 gramo. Kaya sa buong bukirin ay makakakuha ka ng 1,050 gramo o 1.5 kilos na sample ng mga lupa. Ito ay patutuyuin mo sa hangin at huwag sa sikat ng araw. Kapag natuyo na ito ay iyong dudurugin ng pino. Ilalatag sa isang malapad na karton at muling hahati- hatiin sa sampung parti. Kukuha ka ng isang parti at iyo na ang soil sample ng iyong lupa. Iyon ang ating ipapadalang sampol sa Bureau of Soil para masuri ng kanilang soil analyst at malaman ang kakulangan ng sustansiya ng iyong lupa. Base dito ang abonong gagamitin sa iyong bukirin.
Marami sa ating mga magsasaka ang nasanay na sa paggamit ng urea. Ang urea ay nitrogen fertilizer na ang component ay 45-0-0. Ibig sabihin ay purong nitrogen ang laman nito sa 50 kilos na bigat. Pero sa 45 kilos na bigat nito ay 45 porsiyento lang ang abonong puro, na kapag iyong sinumada ay 4.5 kilos lang ang katumbas. Ito ang halaga ng binabayaran mong P2,750.00 abono ng urea. Bukod sa urea ay may ammonium fertilizer na 20-0-0 din na mas mura pero 2.00 kilo lang ang nitrogen. Kung kakaunti lang ang nitrogen sa mga fertilizer ay ano yong ibang ingredients? Iyon po ay fillers. Doon po kumakapit ang nitrogen dahil ang nitrogen po ay gas. Ito po ay sumisingaw sa ere pagnapahiwalay sa fillers. Kaya nga huwag mag aabono ng walang tubig dahil sisingaw lang sa ere ang nitrogen fertilizer.
Correct land preparation – Maraming mga magsasaka na mabilisan ang paghahanda sa bukid. Inararo at trinaktora kinabukasan, pagkaraan ng 3 araw ay isinabog na ang binhi. Mali ang sestimang ito dahil hindi pa nababad ang lupa at nabubulok (process of decomposition) ang mga sariwang damo. Kaya pag isinabog ang pinagiting binhi ay mainit pa ang lupa. (During the decomposition process of weeds or leaves of plants, heat is produced and plants are affected) kaya mainit sa puno ng sumisibol na palay at nagreresulta sa pagkabansot ng pananim.
Gumamit ng Good Seeds or Certified Seeds – Dapat maayos na binhi ang gagamitin sa ating palayan. Huwag basta lang yong kinuha sa dating tanim. Dapat ang binhi ay pinili mula sa mga tanim na malaki ang ani at walang mga halo. Dapat napatuyo ng maayos para maayos ang sibol. Para hindi masayang ang binhi at pagod sa paghanda ng binhi at malaman kung ito ay sisibol ay idaan muna sa isang “germination test”. Germination test is to determine the percentage of germination of the rice seeds by the rug doll method. Maglalagay ng sampol ng binhi ng palay sa isang maliit na lalagyang baso at ibabad ang binhi ng palay sa tubig ng 24-36 oras. Hanguin ito at ilatag sa isang basahan. Tiklupin ito kasama ang ibinabad na binhi at ilagay sa isang madilim na sulok. Araw-araw ay wisikan ng tubig ang basahan. Pagkaraan ng 1-2 araw ay gigiti at sisisbol ang mga binhi. Bilangin mo ang sumibol na palay at malalaman mo kung ilang porsiyento ang sumibol. Ang tawag dito ay percentage of germination. Mas mataas ang percentage of germination mas mabuti ang sibol ng iyong binhi.
Pagtiyempo ng maayos na panahon- sa pagsabog ng binhi ay dapat pantay ang lupa na sabugan ng binhi, walang nagbabadyang bagyo o ulan para hindi maaanod ang pinagiting binhi. Dapat ay nalinis at napulot ang mga kuhol na kakain ng bagong sibol na palay. Dapat huwag mababad sa baha ang bagong sabog na binhi dahil mapipigilan ang pagsibol at baka tuluyang hindi sumibol ang mga ito.
Tamang pagkontrol ng damo – dapat makontrol ang damo sa palayan sa pamamagitan ng tamang paggamit ng pamatay damo sa tamang edad ng palay at panahon.
Apply your Farm for insurance at Crop Insurance Corporation – Ipalista mo ang iyong palayan sa programang ito ng gobiyerno para marecover ang iyong pagkalugi kung dinaanan ng kalamidad ang iyong palayan.






Add Comment