Home » Blog » Binata sa San Fernando, Romblon na wanted sa kasong Attempted Homicide, hinuli

Binata sa San Fernando, Romblon na wanted sa kasong Attempted Homicide, hinuli

SAN FERNANDO, ROMBLON – Inaresto ng mga Alagad ng Batas ang isang binata matapos babaan ng warrant of arrest ng Korte dakong 6:00 ng hapon ng Enero 5, 2024 sa Barangay Taclobo, San Fernando, Romblon.

Kinilala ng San Fernando Municipal Police Station ang dinakip na si Eric Rezano Vicente, 33 taong gulang, binata, laborer at residente ng Sitio Kasoy, Barangay Taclobo, San Fernando, Romblon.

Ang lalaki ay hinuli ng mga tauhan ng San Fernando MPS sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Honorable Cirile Maduro Foja, Presiding Judge, Regional Trial Court, Branch 81, Romblon, Romblon noong Disyembre 13, 2023 dahil sa kasong Attempted Homicide sa ilalim ng Criminal Case No. 3770.

Ang Korte ay may rekomendang piyansa na halagang P24,000.00 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Ang inarestong lalaki ay dinala sa San Fernando MPS para sa kaukulang dokumentasyon at ihaharap sa nakasasakop ng Korte para sa karampatang disposisyon. (RSun Staff)

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment