ROMBLON, Romblon – Dinakip ng kapulisan ang isang babaeng negosyante na may warrant of arrest dahil sa ilegal na droga nitong pasado alas 8:00 ng umaga ng Enero 5, 2024 sa Barangay Lamao, Romblon, Romblon.
Ang suspek na hinuli ng pinagsanib na operatiba ng Romblon PPO PDEU (lead unit), Romblon Municipal Police Station, at Romblon Provincial Mobile Force Company, 4th Platoon ay si Josephine Rubio Magada, 60 anyos, may-asawa, negosyante at nakatira sa Barangay Lamao, Romblon, Romblon.
Si Magada ay inaresto sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu noong Disyembre 29, 2023 ni Honorable Cirile Maduro Foja, Presiding Judge, Regional Trial Court, Branch 81, Romblon, Romblon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 – Possession of Dangerous Drugs (RA 9165 Article II Section 11) sa ilalim ng Criminal Case No. 4171-23.
Ang Korte ay may rekomendang piyansa na halagang P200,000.00 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Ang negosyanteng babaeng suspek ay dinala sa Romblon MPS para sa kaukulang dokumentasyon. (AMM)







Add Comment