Home » Blog » Nonok Beach Resort sa Romblon nasunog

Nonok Beach Resort sa Romblon nasunog

ROMBLON, Romblon – Nasunog kaninang ala 1:00 ng madaling araw, Enero 4, 2024 ang mga cottage ng Nonok Beach Resort sa Barangay Lonos, Romblon, Romblon.

Kinilala ang may-ari nasabing beach resort na si Atty. Francisco Fondevilla Benedicto, 83 taong gulang, balo at residente ng Barangay Bagacay, Romblon, Romblon.

Ayon sa Romblon Municipal Police Station, nasimula umano ang sunog dakong 1:00 ng madaling araw sa kisame ng isang kubo ng resort. Dahil sa gawa sa light materials ay mabilis na kumalat ang apoy sa iba pang estraktura ng naturang establisemento.

Idineklarang fire-out ng BFP Romblon ang sunog ganap na 1:45 ng umaga kanina.

Tinatantiya na ang pinsala ng sunog ay nasa halagang humigit kumulang sa P200,000.00 ayon sa anak ng may-ari ng Nonok Beach Resort na si Robert Benedicto.

Iniimbestigahan pa ng BFP Romblon, Romblon ang sanhi ng sunog. (TMM)

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment