Deprecated: The called constructor method for WP_Widget class in EV_Widget_Entry_Views is deprecated since version 4.3.0! Use __construct() instead. in /home/romblons/public_html/wp-includes/functions.php on line 6131
Lalaki na may WOA sa Odiongan, Romblon dinakip ng pulisya - Romblon Sun
Home » Blog » Lalaki na may WOA sa Odiongan, Romblon dinakip ng pulisya

Lalaki na may WOA sa Odiongan, Romblon dinakip ng pulisya

ODIONGAN, Romblon – Isang binata na may warrant of arrest ang hinuli ng mga tauhan ng Odiongan Municipal Police Station (OMPS) nitong hapon ng Disyembre 20, 2023 sa Barangay Dapawan, Odiongan, Romblon.

Ang suspek ay nakilala na si Jason Gan Estores, 29 taong gulang, binata, walang trabaho at residente ng Sitio Tabing Bundok, Barangay Panique, Odiongan, Romblon.

Si Estores ay inaresto sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu noong Disyembre 20, 2023 ni Honorable Marcia Monina Eraldo Arnuco, Presiding Judge, Municipal Circuit Trial Court, Fourth Judicial Region, Odiongan – Ferrol, Romblon sa paglabag sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide (RPC Art 365) na naka-docket sa ilalim ng Criminal Case No. 7476.

May rekomendang piyansa ang Korte na halagang P60,000.00 para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.

Ang lalaki ay dinala sa Odiongan MPS para sa kaukulang dokumentasyon. (RSun Staff)

 

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment