Deprecated: The called constructor method for WP_Widget class in EV_Widget_Entry_Views is deprecated since version 4.3.0! Use __construct() instead. in /home/romblons/public_html/wp-includes/functions.php on line 6131
Mag-asawa biktima ng bukas kotse sa Odiongan, Romblon, mga alahas, cellphone at ibang gamit tangay - Romblon Sun
Home » Blog » Mag-asawa biktima ng bukas kotse sa Odiongan, Romblon, mga alahas, cellphone at ibang gamit tangay

Mag-asawa biktima ng bukas kotse sa Odiongan, Romblon, mga alahas, cellphone at ibang gamit tangay

ODIONGAN, Romblon – Dumulog sa himpilan ng pulisya ang mag-asawang biktima para ireklamo ang pagkawala ng kanilang mga importanteng gamit sa loob ng sasakyan na ipinarada sa parking lot ng Lyn’s Fern Garden noong 5:00 ng hapon ng Disyembre 19, 2023 sa Barangay Budiong, Odiongan, Romblon.

Ang biktima ay nakilala na si Prosperidad Foz Lignes, 66 taong gulang, may-asawa, retiradong agriculturist  at residente ng Barangay Concepcion Norte, Santa Maria, Romblon.

Sa imbestigasyon ng Odiongan Municipal Police Station (OMPS), dumalo umano ang mag-asawa sa kasal ng kanilang apo na isinagawa sa nasabing lugar kung saan ay nakalimutan umano nilang ikandado ang pintuan ng kanilang sasakyan.

Pagkatapos ng pagtitipon ay bumalik umano sila sa kanilang sasakyan at nagulat na lamang ang mag-asawa sa nakitang nagkalat nilang kagamitan sa labas ng sasakyan. Agad na binuksan ng biktima ang pinto ng kanilang sasakyan at kanyang nabungaran ang nagkalat pa na personal niyang kagamitan sa loob ng sasakyan.

Nadiskubre ng biktima na nawawala ang kanyang isang cellphone na nagkahahalaga ng P7,500.00, isang gintong kuwentas na ang halaga ay P15,000.00, dalawang hikaw na yari sa ginto, dalawang pitaka, mga susi at importanteng mga identification card.

Ipinagbigay alam rin ng mga biktima ang nasabing pangyayari sa pamunuan ng Lyn’s Fern Garden at tinanong kung nahagip ng kanilang nakakabit na CCTV ang pagnanakaw ng suspek, ngunit ayon naman sa manager ay hindi umano nakatutok sa naturang lugar ang kanilang CCTV.

Nagsagawa naman ng karagdagang pagsisiyasat ang Odiongan MPS para sa posibleng pagkakikilanlan sa suspek o mga suspek. Nakipagkoordinasyon na rin sila sa malalapit na kabahayanan na maaring nakakita at sa mga mayroong CCTV.  (TMM)

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment