LALONG TITINDI ANG EL NINO, DAPAT PAGHANDAAN NATIN ITO

ni JUN FIEDACAN

Bumaba ang produksyon ng palay dito sa Romblon sa nagdaang 1st cropping dahil sa mahina ang ulan. At pinangangambahan na lalong babagsak ang produksyon dito sa second cropping dahil aabutin ito ng matinding tagtuyot.

Ayon sa kay Secretary Rene Solidum ng Department of Science and Technology ay 65 probinsiya ang apektado ng grabeng tagtuyot dahil sa El Niño. At 6 na probinsiya o 7% ng kabuuang bilang ng mga lalawigan ay makakaranas ng dry spell which is moderate to severe drought. Magsisimula ito sa Pebrero hanggang Mayo 2024. Ang dry spell ay tatlong sunod sunod na buwan na kakaunti ang ulan. Ang dry condition naman ay 2 buwan na mababa ang ulan kaysa normal.

Ayon pa sa PAGASA Officer In Charge Nathaniel Servando, ang Aurora, Ilocos Norte, Bataan, Zambalez, Occidental Mindoro at Metro Manila ang lubhang maapektuhan. Ngayong Oktubre hanggang Disyembre ay nakaranas ng mahinang tagtuyot ang mga lalawigan ng Batangas, Cavite at Mindoro at apektado din ang lalawigan ng Romblon.

Ayon pa sa PAGASA Ang kahalintulad na darating na tagtuyot na nararanasan sa El Nino ay katulad noong nagdaang 1997– 1998.

Kung ang national government ay gumagawa ng mga plano sa El Nino, ay dapat gumagawa na din ng plano ang Probinsiya ng Romblon kung paano lalaban ng ang ating mga magsasaka ang El Niño.

Kung ang National Government ay gumagawa na ng plano para sa El Nino, dapat ang probinsiya ay gumawa rin ng mga programa kung paano gagawin ang paghahanda para maibsan ang epekto ng nasabing tagtuyot. Dapat maglaan na ng pundo para makabili ng mga buto ng mga gulay at maipamigay para makapagtanim silang mga magsasaka, mga nanay at kuya ng gulay. Mas gusto ng mga magsasaka na magtanim ngayon dahil kakaunti ang ulan at bagay ang panahong ito sa paghanda at pagtanim ng kamote at kamoteng kahoy o balinghoy.

Ang El Nino ay hindi lang madalang  na dumadating ang ulan kundi mainit din ang panahon, mataas ang temperatura. Maalinsangan din at dahil dito ay maraming sakit ang puwedeng dumapo sa tao at maging sa mga hayop. Nariyan ang mga kaso ng chronic respiratory diseases (CRD) new castle disease ( avian pest or peste) fowl fox at iba pa. Mas succeptible ang mga native at alpas na manok dahil kulang sa inom ng tubig.

Posible ding dumami ang mga kaso ng rabies at maraming mahahawang mga aso lalo na yong mga askal o alpas at galang aso at banta ito sa mga bata kapag nakagat ng galang aso, dahil hindi matutukoy ang may ari. May posibilidad din na lalong dumami pa ang mga apektadong baboy ng African Swine Fever (ASF).

Ang mga baka at kalabaw ay puwedeng dapuan ng ephemiral fever at hemorrhagic septeceamia. Puwede ding magkaroon ng usog o bloat ang mga kambing. Kailangang ding magtanim ng mga damong pangkumpay na matibay sa tagtuyot katulad ng Napier at iba pang kauri nito.

Dapat ang mga Lokal na Pamahalaan ay maglaan ng pundo para sa pagbili ng mga gamot na magagamit sa mga magsasaka sa panahon ng emergency situation.

Posible din na matuyuan ang mga bomba ng tubig, mga balon at mga bukal na pinagkukunan ng tubig. Siyempre kakapusin ang mga tubig na inumin sa mga gripo ng mga pambayang suplay ng tubig. Kaya dapat magtipid sa tubig ang mga mamamayan.

Maghanda tayo mga kababayan.

 

 

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment